Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast

Kwentong Takipsilim
undefined
Aug 27, 2023 • 35min

#11: KULTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

KULTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Magandang araw sa lahat ng tagapakinig ng Sitio Bangungot. Ang kwento natin ngayon ay tungkol sa mga kulto na nananakit ng mga tao. Nabalitaan nyo na rin ba noon na kapag malalim na ang gabi, sila raw ay nag-iikot at nagsasagawa ng ritwal? Kaya raw nilang mahipnotismo ang biktima kaya naman kusa itong sumasama sa kanila. Kadasalasan, nangyayari raw ito sa malalayong probinsya noon. Pakinggan natin ang mga ibinahaging karanasan nina Red at Kurt."Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 26, 2023 • 31min

#17: ALAY SA DEMONYO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

ALAY SA DEMONYO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"To protect my privacy, tawagin n'yo na lang po akong Sharlyn. Ang pangyayaring ito ay nangyari noong 1996. Opo, matagal na itong nangyari ngunit hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isip. Sa katunayan, naaalala ko pa ang bawat detalye na para bang kahapon lang ito naganap. Taong 1996 nang ikasal kami ni Franco. Nagkakilala kami sa college at isa s'ya sa mga tinitingala ng mga kapwa ko estudyante. Bukod kasi sa gwapo ay napakabait at napakatalino pa niya. Active s'ya sa iba't-ibang activities sa school, lalo na sa mga fund-raising events. Nalaman ko rin na regular s'yang tumutulong sa mga charitable institutions. Nanggaling rin naman kasi s'ya sa isang mayamang angkan. Ang balita ay major shareholder ng eskwelahan namin ang kanilang pamilya, pero sa likod ng lahat ng kabutihang ito ay meron silang itinatago...at ito ang ikukwento ko sa inyo."Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 26, 2023 • 30min

#16: PATAY NA SI TATAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

PATAY NA SI TATAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Walang sinuman ang makakapantay sa pagmamahal ng isang magulang sa anak. Minsan nga, kahit pumanaw na sila ay nararamdaman natin sila mula sa kanilang mga naiwang gamit. Marahil ito ang nagiging tulay nila para tayo ay kanilang balik-balikan para gabayan. Ang dalawang kwentong pakikinggan natin ngayon ay tungkol sa mga magulang na ipinakita ang kanilang pagmamahal sa anak kahit sila’y patay na."Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 24, 2023 • 42min

#15: NEAR DEATH EXPERIENCE - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

NEAR DEATH EXPERIENCE - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Year 1997 at 5 am nang maramdaman kong humihilab na ang tyan ko at manganganak na, kaya agad akong itinakbo ng asawa ko sa Chinese General Hospital ng 6am. Bandang 8am nang mag-labor ako. Pagkalabas ng bata, doon na ako nawalan ng malay. Hindi ko na po alam ang sumunod na nangyari, ang huling nakita ko na lang ay ang tiles ng operating room. Pagkatapos ay naramdaman kong umiikot-ikot ako sa napakadilim na lugar. May nakita akong maliit na liwanag at yon ang sinusundan ko. Para akong nakalutang sa ere. Maya-maya ay bumubulusok na ako habang papalapit ako nang papalapit sa liwanag. Habang lumalapit ako sa liwanag ay lumalaki naman ito..."Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 23, 2023 • 36min

#14: MUKHA SA DINGDING - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

MUKHA SA DINGDING - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcastNakaranas na ba kayo ng mga paramdam sa inyong bahay? May kakayahan ba kayong makita ang hindi nakikita ng iba? May manliligaw ba kayong engkanto? Ang lahat ng iyan ay maririnig ninyo sa kwento natin ngayong gabi. Mga kababalaghan sa ating tahanan na akala nating payapa pero ang totoo, may gustong gumambala sa atin na hindi natin nakikita. Tunghayan natin ang mga kwentong kababalaghan ng ating dalawang letter sender.Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 23, 2023 • 28min

#13: MULTO SA TAIWAN - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

MULTO SA TAIWAN - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Sinned, nangyari ang nakakatakot kong kwento year 2011 noong nagtatrabaho ako sa FAB 7 Building sa Taiwan. Sa mga unang buwan ay karaniwan lang ang lahat hanggang sa isang araw, nagbibihis kami ng katrabaho kong si Ryan sa loob ng locker room. Ang mga locker po ay stainless kaya makikita mo ang reflection sa likod mo dahil para itong salamin; malinaw talaga. Dalawa lang kami ni Ryan na nagbibihis nang may dumaan sa likuran namin na nakaunipormeng gaya ng suot namin. Tinanong ko si Ryan kung nakita ba niya ang nakita ko? Agad naman siyang sumagot ng "oo" na may kasama pang pagtango. Hinabol pa namin ng tingin ang dumaan pero wala kaming nakita."Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 21, 2023 • 28min

#12: MULTO SA CALL CENTER - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

MULTO CALL CENTER - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Drew, 26 years old, at isang call center agent for 7 years. Matagal na po ako sa BPO industry at 'dun po sa old building na pinagtatrabahuan ko ay walang gumagamit ng fifth floor. Ang alam ko, dati raw cafeteria yun na nilipat sa 2nd floor for some reason. Naaalala ko po na 2 AM ang shift ko n'on, pero 12 midnight pa lang ay nasa office na ako. Maaga akong umaalis sa bahay dahil mahirap na humanap ng masasakyan kung lalabas ako ng beyond 12 midnight. Dumidiretso na lang po ako sa sleeping quarters na nasa 4th floor para matulog..."Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 21, 2023 • 35min

#11: KULTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

KULTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcastAng kwento natin ngayon ay tungkol sa mga kulto na nananakit ng mga tao. Nabalitaan nyo na rin ba noon na kapag malalim na ang gabi, sila raw ay nag-iikot at nagsasagawa ng ritwal. Kaya raw nilang mahipnotismo ang biktima kaya naman kusa itong sumasama sa kanila. Kadasalasan, nangyayari raw ito sa malalayong probinsya noon. Pakinggan natin ang mga kwentong karanasan na ipinadala nina Red at Kurt.Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 21, 2023 • 35min

#10: INCUBUS (MAHALAY NA NILALANG) - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

INCUBUS (MAHALAY NA NILALANG) - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcastIto ay kwento nina Aira at Albert. Tungkol ito sa karanasan nila sa isang nilalang na kung tawagin ay Incubus. Pamilyar ba kayo rito? Sa mga hindi pa, ang "incubus" ay isang nilalang na sabihin na nating...mahalay. Umaatake sila sa tuwing ang biktima ay natutulog. Ang dalawang letter sender natin ang makapagpapatunay na totoong may ganitong nilalang. Kayo ba ay may karanasan din sa incubus? Ipadala na yan sa amin upang ating mabasa.Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
undefined
Aug 19, 2023 • 30min

#9: LUMANG PAARALAN - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast

LUMANG PAARALAN - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Eley at 34 years old na ngayon. Bata pa lang po ako ay lapitin na ako ng kung anu-anong elemento sabi ng nanay ko. Madalas nga raw akong ipatawas dati dahil sa tuwing pagkatapos kong maglaro ay nagkakasakit ako. Ang natatandaan ko pa nga e, tinawas ako dati gamit ang kandila na pinapatak ang upos sa plangganang may tubig, pagkatapos ay kitang-kita ko na may nabubuong imahe. Ang imahe na 'yon ay nilagay sa ilalim ng unan ko at pagkatapos no'n, gumaling na ako kinabukasan. Isa iyon sa mga karanasan kong hindi malilimutan pero mas may higit pang kababalaghan ang nangyari sa akin at ito ang ikukwento ko sa inyo ngayon." Sitio BangungotYou can contact us at stories@kwentongtakipsilim.comFollow kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

The AI-powered Podcast Player

Save insights by tapping your headphones, chat with episodes, discover the best highlights - and more!
App store bannerPlay store banner
Get the app